Taong 2010 nahalal si Benigno Simeon Aquino III bilang pangulo ng Pilipinas. Maraming sumuporta sa kanya at halos lahat ay buo ang tiwala na siya ang mananalo. Hindi naman niya binigo ang lahat sapagkat siya ang nanalo sa halalan noong Mayo.
Isang taon na ang nakalilipas mula ng maupo sa pwesto ang bagong halal na pangulo. Lahat ay nag aasam ng mga pagbabago ngunit sa loob din ng isang taon niyang panunungkulan, marami ang naglabasang kontrobersiya ukol sa mga nagawa niya sa ating bansa.
Sino nga ba si Pnoy para sa mga Pinoy? Ano nga ba ang mga nagawa niyang pagbabago sa buhay ng mamamayang Pilipino? Marahil si Pnoy ang naging pag asa ng lahat upang matugunan ang mga pangangailangan at maresolbahan ang mga problema na kinakaharap ating bansa. Siya ang nagsilbing sinag ng araw sa madilim na pag asa ng mga mamamayan ng pilipinas. Ngunit paano natin masasabi iyon kung hanggang ngayon ay laganap pa din ang kahirapan.
Si Pnoy ang umaatang ng responsibilidad ng buong bansa, siya din ang inaasahan ng lhat na magbubukas ng makabagong pag asa at sa ika-uunlad ng ating bansa. Sya ang inaasahan ng lhat. Ngunit paano natin makakamit ang pagbabago kung patuloy lamang tayong aasa sa magagawa niya? Kung nais natin ng mabilisang pagbabago dapat na magsimula tayo sa ating mga sarili. Matuto tayong tumanaw ng mga bagay na nangangailangan ng pagbabago tungo sa ikakauunlad.
Si Pnoy ang mamumuno ngunit tayo ang magsisilbing pinuno ng ating sarili. Lahat tayo ay may magagawa at lahat ng ating ninanais ay maaring makakamit para sa ikauunlad ng ating sarili at ng ating bansa .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento