Ang guro namin ay masiyahin, mapag-pasensya, mabait at higit sa lahat marunong maki-jamming sa trip naming magkakaklase. Pagapasok niya ng room, may nakahanda na yan na acitivity para sa amin. Minsan mahirap pero nakaka-enjoy naman. Pag nasa mood si sir ay lagi siyang nakangiti at nakatawa pero pag bad vibes siya, nako masungit na yan.
Pero kahit anu man ang mood mo sir, alam ko na mabait ka pa din sa mga estudyante mo tulad naming, marunong ka kasing makisama at hindi k.j. tulad ng ibang teacher. Malakas man ang trip mo minsan lalo na pag discussion ay ayos lang samin. Mga banat na nakatutuwa kaya tawa na lamang maririnig sa room natin. Pero pag seryoso ang discussion ay talagang naka-focus ka sa lektyur mo.
Seryosong usapan sir, humahanga ako sayo dahil mahusay ang paraan mo ng pagtuturo. Malinaw ang bawat example na binibigay mo at halata na gamay mo na ang lesson. Hindi tulad ng iba na nangangapa pa kaya lalong di maintindihan ng estudyante ang lesson. Dahil siguro sir ay masipag ka at talagang pinag-aaralan mong mabuti ang mga tinuturo mo sa mga estudyante.
Sana sir ay hindi mo kami makalimutan bilang estudyante mo hangga’t kami ay naririto sa CLSU at kung saan man kami mapadpad. Sir mamimiss ko ang pang-aasar mo sakin, kahit minsan pinag titripan mo ako ayos lang sir jayson haha. Sana kayo ulit maging teacher naming sa susunod.
Sana sir wag kayong magbabago at sana wag kayong makalilimot sa lahat. Mamimiss kita sir jayson. Hehe Take care always and god bless!
From: JANNEA………=)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento