Huwebes, Oktubre 6, 2011

ANG AKING PAMILYA

ANG AKING PAMILYA

            Bawat tao ay may  tinuturing na pamilya. Pamilya na pinaghuhugutan ng lakas sa tuwing dumarating ang mga problema. Pamilya na laging nariyan para suportahan ka. Ngunit hindi lahat ng tao ay buo ang pamilya. Ang iba ay walang nakagisnang ama at ina o mga kapatid. Kaya masasabi ko na ako ay masuwerte sapagkat ako ay may nakamulatang pamilya.
            Simple lang ang aming pamilya. Ang tatay ko ay isang drayber  bagama’t hindi malakas kumita ay tuloy pa rin sa pamamasada para lamang may maipakain sa kanyang pamilya . Ang aking ina naman ay isang OFW sa Kuwait. Hindi man naming siya kapiling ngayon ay alam ko na ginagawa niya ang lahat upang matustusan ang aming pag aaral. Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Ako ang nag iisang babae kaya’t ako rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay na naiwan ng aking ina mula ng siya ay mangibang bansa. Ang dalawa kong nakababatang kapatid na lalaki ay kasalukuyang nasa sekondarya na.
            Masasabi ko na kahit kami ay hindi ganoong nakaaangat sa buhay ay masaya parin kami sapagkat ang bawat isa ay nagmamahalan sa kabila ng mga kahirapan. Minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawan ngunit naayos din naman. Anumang pagsubok na dumating sa aming pamilya ay nananatili kaming sama-sama at patuloy nagpapakatatag sa kabila ng mga problema.
            Masaya ako sa aking pamilyang kinamulatan sapagkat ng dahil sa kanila, nagkaroon ako ng inspirasyon sa buhay. Sila ang dahilan kung bakit nagpapakatatag ako ngayon at patuloy na hinaharap ang lahat ng hamon. Sila din ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Patuloy na nangangarap at nagsisikap upang maging maayos ang takbo ng aking buhay.
            Lubos akong nagpapasalamat sa panginoon sapagkat nagkaroon ako ng mabuting pamilya at maayos na buhay. Sa aking mga kapatid na patuloy akong sinusunod para sa kanilang kapakanan, salamat. Sa aking ama at ina na patuloy na sumusuporta at nagsasakripisyo para sa amin, maraming salamat po! Ang tanging hiling ko lang ay magkasasama sama uli kami at manatiling buo ang aming pamilya anu man ang mangyari.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento