Miyerkules, Oktubre 5, 2011

KARANASAN SA FILIPINO 110



      Pagpasok sa silid-aralan,katuwaan ang pumapailanlang.Mga kwentuhan na walang katapusan,mga sigawan na halos di magkarinigan. Iyan ang dahilan kung bakit nais kong pumasok sa subjek na fili 110.
        Sa bawat araw na magkikita-kita kming magkaka-klase ay laging may bagong pinag-uusapan. Ngunit pag filipino na ang subjek ay lalong nadadagdagan ang aming mga karanasan at mga pagkukwentuhan dahil sa mga activity na pinapagawa ng aming guro na si Sir Jayson. Nakatutuwa sapagkat siya ulit ang naging guro ko sa filipino. Sa totoo lang ay nasusungitan ko si sir noong una ko siyang naging guro ngunit nagkamali ako dahil ngayong fili 110 ay mas lalo ko siyang nakilala at ako’y labis na natutuwa dahil siya ang naging guro namin.
         Ang mga karanasan ko sa subjek na ito ay di ko malilimutan tulad na lamang ng katatapos na music video o MTV na ginawa naming magkaka-grupo. Lalung nabuo ang bonding ng isa’t isa at nakatutuwa dahil madadagdagan na naman ang mga pinaka-masasayang karanasan ko dito sa CLSU. Reporting, brainstorming at mga nakababaliw na role playing, yan ay ilan lang sa mga activity na pinagawa ni sir. Minsan mahirap pero enjoy naman.
       Nakalulungkot din isipin sapagkat ang mga karanasang ito ay may hangganan din. Maaring magkahiwa-hiwalay na kami nila sir pero hinding hindi ko malilimutan ang mga oras at araw na aming pinagsamahan sa fili110. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento