“Keep holding on, cause I know i’ll make it through, make it through, just stand strong coz’ you know I’m here for you,here for you…”Keep holding on by: Avril Lavigne. Ito ang awit ng aking buhay.Sinasabi sa kanta na ito na anu man ang mangyari ay kelangan nating tanggapin ang mga katotohanan na nangyayari sa ating buhay. Wala tayong magagawa kundi kumapit at magpakatatag.Minsan mahirap man tanggapin ang mga pangyayari na nagdadaan ay kelangan natin itong harapin at paglabanan.
Nakalulungkot isipin na minsan dumarating sa punto na halos mawalan na tayo ng pag-asang lumaban. Hindi man nakikita ng karamihan ang ating mga hirap na pinagdaraanan ay hindi parin maipagkakaila sa ating puso’t isipan na naghihirap ang ating kalooban. Ang mundong ating kinagagawalan ay hindi natin pag-aari. Walang makapagsasabi kung kalian tayo mawawala sa mundong ito. Masarap mabuhay sa mundo lalo na kung walang iniintinding problema. Ngunit wala tayong magagawa kundi makipagsapalaran sa hamon ng buhay ditto sa mundong ibabaw.
Wala tayong ibang dapat sisihin sa mga nangyayari kundi ang ating sarili mismo. Kaya bilang isang manlalakbay sa magulong mundo, marahil ang isa sa paraan kung paano tayo mkakatagal dito ay ang manatili tayong matatag. Kapitan natin ang ating sarili at maniwala sa ating kakayahan upang makalampas sa mga balakid sa ating buhay. At ang higit sa lahat ay huwag tayong bibitiw sa mga pinanghahawakan nating bagay na maaring makatulong sa atin pagdumating ang mga kahinaan. Ngunit ang pinaka-importante sa lahat ay huwag tayong bibitiw sa atingPanginoon na siyang nakakaalam ng lahat. Hindi man natin siya nakikita ay malamang na lahat ng ginagawa ntin ay nkikita nya. Hindi tinubos ng kanyang dugo ang ating buhay para mawalan lang ng saysay. Lahat ng nangyayari ay may dahilan at bawat problema ay may paraan kung paano ito sosolusyunan. “we need to be stong and keep holding on”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento