Lunes, Setyembre 5, 2011

ANG AWIT NG AKING BUHAY



Keep holding on, cause I know i’ll make it through, make it through, just stand strong coz’ you know I’m here for you,here for you…”Keep holding on by: Avril Lavigne. Ito ang awit ng aking buhay.Sinasabi sa kanta na ito na anu man ang mangyari ay kelangan nating tanggapin ang mga katotohanan na nangyayari sa ating buhay. Wala tayong magagawa kundi kumapit at magpakatatag.Minsan mahirap man tanggapin ang mga pangyayari na nagdadaan ay kelangan natin itong harapin at paglabanan.
Nakalulungkot isipin na minsan dumarating sa punto na halos mawalan na tayo ng pag-asang lumaban. Hindi man nakikita ng karamihan ang ating mga hirap na pinagdaraanan ay hindi parin maipagkakaila sa ating puso’t isipan na naghihirap ang ating kalooban. Ang mundong ating kinagagawalan ay hindi natin pag-aari. Walang makapagsasabi kung kalian tayo mawawala sa mundong ito. Masarap mabuhay sa mundo lalo na kung walang iniintinding problema. Ngunit wala tayong magagawa kundi makipagsapalaran sa hamon ng buhay ditto sa mundong ibabaw.
Wala tayong ibang dapat sisihin sa mga nangyayari kundi ang ating sarili mismo. Kaya bilang isang manlalakbay sa magulong mundo, marahil ang isa sa paraan kung paano tayo mkakatagal dito ay ang manatili tayong matatag. Kapitan natin ang ating sarili at maniwala sa ating kakayahan upang makalampas sa mga balakid sa ating buhay. At ang higit sa lahat ay huwag tayong bibitiw sa mga pinanghahawakan nating bagay na maaring makatulong sa atin pagdumating ang mga kahinaan. Ngunit ang pinaka-importante sa lahat ay huwag tayong bibitiw sa atingPanginoon na siyang nakakaalam ng lahat. Hindi man natin siya nakikita ay malamang na lahat ng ginagawa ntin ay nkikita nya. Hindi tinubos ng kanyang dugo ang ating buhay para mawalan lang ng saysay. Lahat ng nangyayari ay may dahilan at bawat problema ay may paraan kung paano ito sosolusyunan. “we need to be stong and keep holding on”.

Si ''CRUSH''

Bawat kabataan sa panahon ngayon ay masasabi kong iba na ang tinatakbo ng pag iisip. Lalo silang nagiging sensitibo sa mga bagay bagay na nangyayari sa paligid. Isang mapag-larong mundo na maituturing dahil sa mga pangyayaring bumabago sa ating buhay.Isa na dito ang pag-ibig na alam na alam ng lahat lalo na ang mga kabataan. Bakit hindi mo subukang isipin kung sino ang unang tao nagbigay sayo ng kakaibang pakiramdam na hindi mo maipaliwanag at nagdudulot ng mga ngiti sa nahihiyang mong labi.
   Isang text mula sa kanya, isang tawag sa cellphone na nakapagpapakaba. Ang sarap sa pakiramdam pag nakikita ko siya. Hindi malaman ang gagawin pag siya’y papalapit na. Minsan napaisip ako kung dapat ko ko bang ipagpatuloy ang aking nararadaman. Ang pakiramdam ng kasiyahan pag siya ay nariyan. Ngunit ano nga ba ako sa kanya? Isa lamang hamak na tagahanga? Oo, sa ngayon hindi niya alam kung ano nga ba ang estado namin. Maging ako ay naguguluhan din.
     Mahigit isang taon na kaming magkakilala. Noon pa ay alam ko na kinakapatid ko pala siya. Mabait at madaling pakisamahan kaya sa kanya ko naramdaman ang pakiramdam na hindi ko maintindihan. Hindi man siya akin, ngunit pinaparamdam niya lagi na nariyan siya sa aking piling. Marahil siguro na alam niya kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Pero hindi ko na kelangan ipagdiinan sapagkat alam kong wala ding kapupuntahan. Alam mo ba yung konsepto na parang kayo pero walang matatawag na KAYO? Hay ang gulo.
      Nagsimula sa simpleng kulitan, crush na matatawag pero naging malalim na ugnayan. Yung hindi sinasabi pero nararamdaman, Higit pa sa kaibigan pero di nagmamahalan. Masasabi kong isang M.U. o magulong usapan at hindi ko alam kung hanggang kelan. Madaming mga pagkakatulad ng hilig at gusto pero hanggang dun na lamang ba? Ewan, aasa pa ba ko?
       Kung nababasa man niya ito, sana masaya siya sa magiging desisyon ko. Ang paglayo ko upang hindi na ako lalong masaktan at para na din sa ikatatahimik ng aking kalooban. Kailan ko kaya masasabi ang salitang  PAALAM?

AKO BILANG ISANG BAGAY

Lahat ng bagay ditto sa mundo ay mahalaga, maging ang buhay natin ay napakahalaga din. Maraming beses man tayong madapa sa mga pagsubok ng buhay ay pinipilit pa din natin magpakatatag. Ngunit paano mo  nga ba maihahalintulad ang iyong sarili sa isangbagay? 
Ako bilang isang simpleng tao, maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang simple ngunit matayog na puno ng kawayan. Kawayan na kahit magdaan ang malalakas at humahagupit na bagyo ay nananatili pa rin na matibay..
Ang kawayan ay isa sa pinakamatibay na halaman. Ito ay madalas na ginagamit sa paggawa ng mga bahay dahil nga sa ito ay matibay napundasyon na maaaring gawing haligi. Masasabi ko na maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang kawayan sapagkat ako ay matatag. Ayokong maging mahina kapag ako ay humaharap sa mga pagsubok ng buhay. Ayoko din nanakikitang ibang tao na nanghihina ako. Tulad ng isang kawayan, marahil hindi natin mapapansin kung malapit na itong mabuwal ngunit kung ating titignan ang mga ugat nito ay mapapansin natin na anumang oras ay maaring itong mabunot at mabuwal.
Ako bilang isang kawayan ay pilit na magpapakatatag upang patuloy na malabanan ang mga malalakas na bagyo na paparating. Patuloy rin akong mangangarap ng mataas upang mas maging matayog sa anumang pagsubok na haharapin.
Sa buhay natin ngayon, kalian nating magpakatatag sapagkat kung magiging marupok tayo ay hindi tayo makagagawa ngparaan upang lumaban sa mga bagyong pilit na sisira sa atin.