May kanyang-kanyang katangian na tinataglay ang bawat tao. Mga tao na ninirahan sa mapang-husgang mundo. Minsan naisip mo ba na kumawala na lang dito?
Ako si Jannea, 17 taong gulang.Nagtapos ako ng pag-aaral ng elementarya sa Talavera Central School at sekondarya naman ay sa Sto.Domingo National Trade School. Kasalukuyan akong nag aaral sa Pamantasang Pampamahalaan ng Gitnang Luzon o (Central Luzon State University). Ako ay nasa ikalawang taon na kumukuha ng kursong Development Communication. Ako ay naninirahan sa bayan ng Talavera, lungsod ng Nueva Ecija. Ang aking ama ay si ginoong Ariel Tilar na nag buhat sa Bulacan. Ang aking ina naman ay si ginang Jocelyn Tilar na nag ,ula sa San Jose City. Masasabi ko na isa silang huwarang magulang. Ang aking ama ay isang drayber at ang aking ina naman ay isang overseas filipino worker sa bansang Kuwait. Mayroon akong dalawang nakababatang kapatid na sina Paul Daniel, 13 taong gulang at Allen Dale 11 taong gulang. Sila ay kasalukuyang nag aaral sa Sto.Domingo National Trade School.
Ilang lamang ito sa mga mahalagang impormasyon tungkol sa akin. Nais ko lamang ibahagi ang mga ito bilang pasimula sa pagpapakilala ng aking sarili. Isang simpleng babae na nagnanais na magtagumpay at matupad ang ninanais na pangarap.